Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 165)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 165

وَهُوَ الَّذِي جَعَلَكُمْ خَلَائِفَ الْأَرْضِ وَرَفَعَ بَعْضَكُمْ فَوْقَ بَعْضٍ دَرَجَاتٍ لِيَبْلُوَكُمْ فِي مَا آتَاكُمْ ۗ إِنَّ رَبَّكَ سَرِيعُ الْعِقَابِ وَإِنَّهُ لَغَفُورٌ رَحِيمٌ 165 ١٦٥

Siya ay ang gumawa sa inyo bilang mga kahalili sa lupa. Nag-angat Siya sa iba sa inyo higit sa iba sa mga antas upang sumubok Siya sa inyo sa ibinigay Niya sa inyo. Tunay na ang Panginoon mo ay mabilis ang parusa at tunay na Siya ay talagang Mapagpatawad, Maawain. (165)

Tafsīr
Si Allāh ay ang gumawa sa inyo na humahalili sa nauna sa inyo sa lupa para sa pagsasagawa ng paglinang nito. Nag-angat Siya sa ilan sa inyo sa mga antas sa pagkakalikha, pagtustos, at iba pa sa mga ito higit sa iba upang sumubok Siya sa inyo sa ibinigay Niya sa inyo mula roon. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay mabilis ang parusa sapagkat Siya ay malapit sa bawat dumarating. Tunay na Siya ay talagang Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain dito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba