Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 1)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang papuri ay ukol kay Allāh na lumikha ng mga langit at lupa, at gumawa sa mga kadiliman at liwanag. Pagkatapos ang mga tumangging sumampalataya sa Panginoon nila ay nagpapantay [sa Kanya sa iba]. (1)
Tafsīr
Ang paglalarawan sa pamamagitan ng kalubusang walang-takda at ang pagbubunyi sa pamamagitan ng mga kagandahang pinakamataas kalakip ng pag-ibig ay napagtibay ukol kay Allāh na lumikha ng mga langit at lumikha ng lupa nang walang naunang pagkakatulad at lumikha ng gabi at maghapon na nagsusunuran, kaya nagpadilim Siya sa gabi at nagtanglaw Siya sa maghapon. Sa kabila nito, ang mga tumangging sumampalataya ay nagpapantay sa Kanya sa iba pa sa Kanya at gumagawa rito bilang katambal para sa Kanya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: