Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 20)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Ang mga binigyan Namin ng Kasulatan ay nakakikilala sa kanya gaya ng pagkakilala nila sa mga anak nila. Ang mga nagpalugi sa mga sarili nila, sila ay hindi sumasampalataya. (20)
Tafsīr
Ang mga Hudyo na nabigyan Namin ng Torah at ang mga Kristiyano na nabigyan Namin ng Ebanghelyo ay nakakikilala kay Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – nang lubos na pagkakilala gaya ng pagkakilala nila sa mga anak nila kaysa sa mga anak ng iba sa kanila. Ang mga nagpaluging iyon sa mga sarili nila dahil sa pagpapasok sa mga ito sa Apoy, sila ay hindi sumasampalataya.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: