Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 20 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 20 sa 165 • Tagalog


الَّذِينَ آتَيْنَاهُمُ الْكِتَابَ يَعْرِفُونَهُ كَمَا يَعْرِفُونَ أَبْنَاءَهُمُ ۘ الَّذِينَ خَسِرُوا أَنْفُسَهُمْ فَهُمْ لَا يُؤْمِنُونَ 20
Pagsasalin:
Ang mga binigyan Namin ng Kasulatan ay nakakikilala sa kanya gaya ng pagkakilala nila sa mga anak nila. Ang mga nagpalugi sa mga sarili nila, sila ay hindi sumasampalataya. Al-An‘ām 6:20
Tafsīr:
Ang mga Hudyo na nabigyan Namin ng Torah at ang mga Kristiyano na nabigyan Namin ng Ebanghelyo ay nakakikilala kay Propeta Muḥammad – basbasan siya ni Allāh at batiin ng kapayapaan – nang lubos na pagkakilala gaya ng pagkakilala nila sa mga anak nila kaysa sa mga anak ng iba sa kanila. Ang mga nagpaluging iyon sa mga sarili nila dahil sa pagpapasok sa mga ito sa Apoy, sila ay hindi sumasampalataya.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 19 Susunod Al-An‘ām • Talata 21