Sino pa ang higit na tagalabag sa katarungan kaysa sa sinumang gumawa-gawa laban kay Allāh ng isang kasinungalingan o nagpasinungaling sa mga talata Niya [sa Qur’ān]? Tunay na hindi nagtatagumpay ang mga tagalabag sa katarungan. Al-An‘ām 6:21 ⧉
Tafsīr:
Walang isang higit na sukdulan sa kawalang-katarungan kaysa sa sinumang nag-ugnay kay Allāh ng isang katambal saka sumamba rito kasama sa Kanya o nagpasinungaling sa mga tanda Niya na pinababa Niya sa Sugo Niya. Tunay na ang mga tagalabag sa katarungan sa pamamagitan ng pag-uugnay ng katambal kay Allāh at ng pagpapasinungaling sa mga tanda Niya ay hindi magtatamo [ng tagumpay] magpakailanman kapag sila ay hindi nagbalik-loob.