Sa araw na kakalap Kami sa kanila nang lahatan, pagkatapos magsasabi Kami sa mga nagtambal: “Nasaan ang mga itinambal ninyo na dati ninyong inaakala?” Al-An‘ām 6:22 ⧉
Tafsīr:
Banggitin mo sa Araw ng Pagbangon kapag magtitipon si Allāh sa kanila sa kalahatan, na hindi Siya mag-iwan sa kanila ng isa man, pagkatapos magsasabi Siya sa mga sumamba kasama sa Kanya sa iba pa sa Kanya bilang pagsumbat sa kanila: "Nasaan ang mga itinambal ninyo, na kayo noon ay nag-aangkin nang pasinungaling na sila ay mga katambal kay Allāh?"