Pagkatapos walang [tugon sa] pagsusulit sa kanila kundi na nagsabi sila: “Sumpa man kay Allāh na Panginoon Namin, kami noon ay hindi mga tagapagtambal.” Al-An‘ām 6:23 ⧉
Tafsīr:
Pagkatapos walang iba ang pagdadahilan nila matapos ang pagsusulit na ito kundi na magpawalang-ugnayan sila sa mga sinasamba nila at magsasabi sila ng isang kasinungalingan: "Sumpa man kay Allāh na Panginoon Namin, kami noon sa Mundo ay hindi mga tagapagtambal sa Iyo, bagkus kami noon ay mga mananampalataya sa Iyo, na mga naniniwala sa kaisahan Mo."