Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 28)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Bagkus lumitaw sa kanila ang dati nilang ikinukubli bago pa niyan. Kung sakaling pinabalik sila [sa Mundo] ay talaga sanang nanumbalik sila sa isinaway sa kanila. Tunay na sila ay talagang mga sinungaling. (28)
Tafsīr
Ang usapin ay hindi gaya ng sinabi nila na sila, kung sakaling isnauli sila, ay talaga sanang sumampalataya sila. Bagkus lalantad sa kanila ang dati nilang itinatago mula sa sinasabi nila: "Sumpa man kay Allāh, kami noon ay hindi mga tagapagtambal" kapag sasaksi laban sa kasinungalingan nila ang mga bahagi ng katawan nila. Kung sakaling itinakdang sila ay babalik sa Mundo ay talagang babalik sila sa sinasaway sa kanila na kawalang-pananampalataya at pagtatambal. Tunay na sila ay talagang mga sinungaling sa pangako nila ng pananampalataya kapag bumalik sila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: