Bagkus lumitaw sa kanila ang dati nilang ikinukubli bago pa niyan. Kung sakaling pinabalik sila [sa Mundo] ay talaga sanang nanumbalik sila sa isinaway sa kanila. Tunay na sila ay talagang mga sinungaling. Al-An‘ām 6:28 ⧉
Tafsīr:
Ang usapin ay hindi gaya ng sinabi nila na sila, kung sakaling isnauli sila, ay talaga sanang sumampalataya sila. Bagkus lalantad sa kanila ang dati nilang itinatago mula sa sinasabi nila: "Sumpa man kay Allāh, kami noon ay hindi mga tagapagtambal" kapag sasaksi laban sa kasinungalingan nila ang mga bahagi ng katawan nila. Kung sakaling itinakdang sila ay babalik sa Mundo ay talagang babalik sila sa sinasaway sa kanila na kawalang-pananampalataya at pagtatambal. Tunay na sila ay talagang mga sinungaling sa pangako nila ng pananampalataya kapag bumalik sila.