Kung sakaling makakikita ka kapag patitigilin sila sa ibabaw ng Apoy saka magsasabi sila: “O kung sana kami ay pababalikin [sa Mundo] at [upang] hindi magpasinungaling sa mga tanda ng Panginoon Natin at maging kabilang sa mga mananampalataya!” Al-An‘ām 6:27 ⧉
Tafsīr:
Kung sakaling nakikita mo, O Sugo, kapag isasalang sila sa Araw ng Pagbangon sa ibabaw ng Apoy saka magsasabi sila dala ng panghihinayang: "O kung sana kami ay pababalikin sa buhay na pangmundo at [upang] hindi magpasinungaling sa mga tanda ni Allāh at maging kabilang sa mga mananampalataya kay Allāh, talaga sanang makakikita ka ng isang kagulat-gulat mula sa kasagwaan ng kalagayan nila!"