Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 33)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 33

قَدْ نَعْلَمُ إِنَّهُ لَيَحْزُنُكَ الَّذِي يَقُولُونَ ۖ فَإِنَّهُمْ لَا يُكَذِّبُونَكَ وَلَٰكِنَّ الظَّالِمِينَ بِآيَاتِ اللَّهِ يَجْحَدُونَ 33 ٣٣

Nalalaman nga Namin na tunay na talagang nagpapalungkot sa iyo ang sinasabi nila ngunit tunay na sila ay hindi nagpapasinungaling sa iyo subalit ang mga tagalabag sa katarungan ay sa mga tanda ni Allāh nagkakaila. (33)

Tafsīr
Kami ay nakaaalam na ikaw, O Sugo, ay pinalulungkot ng pagpapasinungaling nila sa iyo nang lantaran kaya alamin mo na sila ay hindi nagpapasinungaling sa iyo sa mga sarili nila dahil sa pagkakaalam nila sa katapatan mo at pagkamapagkakatiwalaan mo, subalit sila ay mga taong tagalabag sa katarungan na nagkakaila sa nauukol sa iyo nang lantaran samantalang sila ay nakatitiyak nito sa mga sarili nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba