Nalalaman nga Namin na tunay na talagang nagpapalungkot sa iyo ang sinasabi nila ngunit tunay na sila ay hindi nagpapasinungaling sa iyo subalit ang mga tagalabag sa katarungan ay sa mga tanda ni Allāh nagkakaila. Al-An‘ām 6:33 ⧉
Tafsīr:
Kami ay nakaaalam na ikaw, O Sugo, ay pinalulungkot ng pagpapasinungaling nila sa iyo nang lantaran kaya alamin mo na sila ay hindi nagpapasinungaling sa iyo sa mga sarili nila dahil sa pagkakaalam nila sa katapatan mo at pagkamapagkakatiwalaan mo, subalit sila ay mga taong tagalabag sa katarungan na nagkakaila sa nauukol sa iyo nang lantaran samantalang sila ay nakatitiyak nito sa mga sarili nila.