Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 34 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 34 sa 165 • Tagalog


وَلَقَدْ كُذِّبَتْ رُسُلٌ مِنْ قَبْلِكَ فَصَبَرُوا عَلَىٰ مَا كُذِّبُوا وَأُوذُوا حَتَّىٰ أَتَاهُمْ نَصْرُنَا ۚ وَلَا مُبَدِّلَ لِكَلِمَاتِ اللَّهِ ۚ وَلَقَدْ جَاءَكَ مِنْ نَبَإِ الْمُرْسَلِينَ 34
Pagsasalin:
Talaga ngang may pinasinungalingan na mga sugo bago mo pa ngunit nagtiis sila sa anumang ipinasinungaling sa kanila at ipinaminsala sa kanila hanggang sa pumunta sa kanila ang pag-aadya Namin. Walang tagapalit sa mga salita ni Allāh. Talaga ngang may dumating sa iyo na balita ng mga isinugo [bago mo]. Al-An‘ām 6:34
Tafsīr:
Huwag kang mag-akala na ang pagpapasinungaling na ito ay natatangi sa inihatid mo sapagkat may pinasinungalingan nga na mga sugo bago mo pa at sinaktan sila ng mga kalipi nila ngunit hinarap nila iyon nang may pagtitiis sa pag-aanyaya at pakikibaka sa landas ni Allāh hanggang sa dumating sa kanila ang pag-aadya mula kay Allāh. Walang tagapalit sa itinakda ni Allāh na pag-aadya. Nangako Siya nito sa mga sugo Niya. Talaga ngang may dumating sa iyo, O Sugo, na mga salaysay bago mo pa mula sa mga sugo, mga dinanas nila mula sa mga kalipi nila, at ipinagkaloob sa kanila ni Allāh na pag-aadya laban sa mga kaaway nila sa pamamagitan ng pagpapahamak sa mga ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 33 Susunod Al-An‘ām • Talata 35