Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 32 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 32 sa 165 • Tagalog


وَمَا الْحَيَاةُ الدُّنْيَا إِلَّا لَعِبٌ وَلَهْوٌ ۖ وَلَلدَّارُ الْآخِرَةُ خَيْرٌ لِلَّذِينَ يَتَّقُونَ ۗ أَفَلَا تَعْقِلُونَ 32
Pagsasalin:
Walang iba ang buhay na pangmundo kundi isang paglalaro at isang paglilibang; ngunit talagang ang tahanan sa Kabilang-buhay ay higit na mabuti para sa mga nangingilag magkasala. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa? Al-An‘ām 6:32
Tafsīr:
Walang iba ang buhay na pangmundo na sinasaligan ninyo kundi isang paglalaro at isang kahibangan para sa sinumang hindi gumagawa rito ng nagpapalugod kay Allāh. Ang tahanan sa Kabilang-buhay naman, iyon ay higit na mabuti para sa mga nangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng paggawa ng ipinag-utos Niya gaya ng pananampalataya at pagtalima, at ng pag-iwan sa sinaway Niya gaya ng shirk at pagsuway. Kaya hindi ba kayo nakapag-uunawa, O mga tagapagtambal, niyon para sumampalataya kayo at gumawa kayo ng mga maayos?
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 31 Susunod Al-An‘ām • Talata 33