Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 34)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Talaga ngang may pinasinungalingan na mga sugo bago mo pa ngunit nagtiis sila sa anumang ipinasinungaling sa kanila at ipinaminsala sa kanila hanggang sa pumunta sa kanila ang pag-aadya Namin. Walang tagapalit sa mga salita ni Allāh. Talaga ngang may dumating sa iyo na balita ng mga isinugo [bago mo]. (34)
Tafsīr
Huwag kang mag-akala na ang pagpapasinungaling na ito ay natatangi sa inihatid mo sapagkat may pinasinungalingan nga na mga sugo bago mo pa at sinaktan sila ng mga kalipi nila ngunit hinarap nila iyon nang may pagtitiis sa pag-aanyaya at pakikibaka sa landas ni Allāh hanggang sa dumating sa kanila ang pag-aadya mula kay Allāh. Walang tagapalit sa itinakda ni Allāh na pag-aadya. Nangako Siya nito sa mga sugo Niya. Talaga ngang may dumating sa iyo, O Sugo, na mga salaysay bago mo pa mula sa mga sugo, mga dinanas nila mula sa mga kalipi nila, at ipinagkaloob sa kanila ni Allāh na pag-aadya laban sa mga kaaway nila sa pamamagitan ng pagpapahamak sa mga ito.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: