Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 37)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 37

وَقَالُوا لَوْلَا نُزِّلَ عَلَيْهِ آيَةٌ مِنْ رَبِّهِ ۚ قُلْ إِنَّ اللَّهَ قَادِرٌ عَلَىٰ أَنْ يُنَزِّلَ آيَةً وَلَٰكِنَّ أَكْثَرَهُمْ لَا يَعْلَمُونَ 37 ٣٧

Nagsabi sila: “Bakit kasi walang ibinaba sa kanya na isang tanda mula sa Panginoon niya?” Sabihin mo: “Tunay na si Allāh ay nakakakaya na magbaba ng isang tanda subalit ang higit na marami sa kanila ay hindi nakaaalam.” (37)

Tafsīr
Nagsabi ang mga tagapagtambal habang mga nangyayamot at mga nag-aantala sa pananampalataya: "Bakit kaya walang pinababa kay Muḥammad na isang tandang mahimala na magiging isang patotoo mula sa Panginoon niya sa katapatan niya kaugnay sa inihatid Niya?" Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na si Allāh ay nakakakaya sa pagbaba ng isang tanda ayon sa ninanais nila subalit ang higit na marami sa mga tagapagtambal na humihiling ng pagpapababa ng isang tanda ay hindi nakaaalam na ang pagpapababa sa mga tanda ay alinsunod sa kasanhian Niya – pagkataas-taas Siya – at hindi alinsunod sa hinihiling nila." Kung sakaling nagpababa Siya nito, pagkatapos hindi sila naniwala, talaga sanang nagpahamak Siya sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba