Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 39)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 39

وَالَّذِينَ كَذَّبُوا بِآيَاتِنَا صُمٌّ وَبُكْمٌ فِي الظُّلُمَاتِ ۗ مَنْ يَشَإِ اللَّهُ يُضْلِلْهُ وَمَنْ يَشَأْ يَجْعَلْهُ عَلَىٰ صِرَاطٍ مُسْتَقِيمٍ 39 ٣٩

Ang mga nagpasinungaling sa mga talata Namin [sa Qur’ān] ay mga bingi at mga pipi na nasa mga kadiliman. Ang sinumang loloobin ni Allāh ay [makatarungang] magliligaw Siya rito at ang sinumang loloobin Niya ay maglalagay Siya rito sa isang landasing tuwid. (39)

Tafsīr
Ang mga nagpasinungaling sa mga tanda Namin ay tulad ng mga bingi na hindi nakaririnig at mga pipi na hindi nagsasalita habang sila bukod pa roon ay nasa mga kadiliman na hindi nakakikita. Kaya paano para sa sinumang ito ang kalagayan niya na mapatnubayan? Ang sinumang loloobin ni Allāh ang pagliligaw rito kabilang sa mga tao ay magliligaw Siya rito. Ang sinumang loloobin Niya ang kapatnubayan dito ay magpapatnubay Siya rito sa pamamagitan ng paglalagay rito sa isang daang tuwid na walang kabaluktutan doon.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba