Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 46)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Sabihin mo: “Nagsaalang-alang ba kayo kung kumuha si Allāh sa pandinig ninyo at mga paningin ninyo at nagpinid Siya sa mga puso ninyo, sinong diyos na iba pa kay Allāh ang magdudulot sa inyo nito?” Tumingin ka kung papaano Kaming nagsasarisari ng mga tanda, pagkatapos sila ay lumilihis. (46)
Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Magpabatid kayo sa akin kung biningi kayo ni Allāh sa pamamagitan ng pag-alis sa mga pandinig ninyo at binulag Niya kayo sa pamamagitan ng pagkuha sa mga paningin ninyo at pagpinid sa mga puso ninyo kaya hindi kayo nakaunawa ng anuman, sinong sinasamba ayon sa karapatan ang magdudulot sa inyo ng nawala ninyo mula roon? Magmuni-muni ka, O Sugo, kung papaano Siyang naglilinaw sa kanila ng mga katwiran at nag-uuri-uri ng mga patotoo, pagkatapos sila ay umaayaw sa mga ito!"
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: