Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 51)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 51

وَأَنْذِرْ بِهِ الَّذِينَ يَخَافُونَ أَنْ يُحْشَرُوا إِلَىٰ رَبِّهِمْ ۙ لَيْسَ لَهُمْ مِنْ دُونِهِ وَلِيٌّ وَلَا شَفِيعٌ لَعَلَّهُمْ يَتَّقُونَ 51 ٥١

Magbabala ka nito sa mga nangangamba na kalapin sila tungo sa Panginoon nila – walang ukol sa kanila bukod pa sa Kanya na anumang katangkilik ni mapagpamagitan – nang sa gayon sila ay mangingilag magkasala. (51)

Tafsīr
Magpangamba ka, O Sugo, sa pamamagitan ng Qur'ān na ito sa mga nangangamba na kakalapin sila tungo sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon – walang ukol sa kanila na isang katangkilik bukod pa kay Allāh na nagdudulot sa kanila ng pakinabang, ni isang mapagpamagitang mag-aalis sa kanila ng pinsala – nang sa gayon sila ay mangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Ang mga ito ay ang mga nakikinabang sa Qur'ān.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba