Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 51 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 51 sa 165 • Tagalog


وَأَنْذِرْ بِهِ الَّذِينَ يَخَافُونَ أَنْ يُحْشَرُوا إِلَىٰ رَبِّهِمْ ۙ لَيْسَ لَهُمْ مِنْ دُونِهِ وَلِيٌّ وَلَا شَفِيعٌ لَعَلَّهُمْ يَتَّقُونَ 51
Pagsasalin:
Magbabala ka nito sa mga nangangamba na kalapin sila tungo sa Panginoon nila – walang ukol sa kanila bukod pa sa Kanya na anumang katangkilik ni mapagpamagitan – nang sa gayon sila ay mangingilag magkasala. Al-An‘ām 6:51
Tafsīr:
Magpangamba ka, O Sugo, sa pamamagitan ng Qur'ān na ito sa mga nangangamba na kakalapin sila tungo sa Panginoon nila sa Araw ng Pagbangon – walang ukol sa kanila na isang katangkilik bukod pa kay Allāh na nagdudulot sa kanila ng pakinabang, ni isang mapagpamagitang mag-aalis sa kanila ng pinsala – nang sa gayon sila ay mangingilag magkasala kay Allāh sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinag-uutos Niya at pag-iwas sa mga sinasaway Niya. Ang mga ito ay ang mga nakikinabang sa Qur'ān.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 50 Susunod Al-An‘ām • Talata 52