Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 52 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 52 sa 165 • Tagalog


وَلَا تَطْرُدِ الَّذِينَ يَدْعُونَ رَبَّهُمْ بِالْغَدَاةِ وَالْعَشِيِّ يُرِيدُونَ وَجْهَهُ ۖ مَا عَلَيْكَ مِنْ حِسَابِهِمْ مِنْ شَيْءٍ وَمَا مِنْ حِسَابِكَ عَلَيْهِمْ مِنْ شَيْءٍ فَتَطْرُدَهُمْ فَتَكُونَ مِنَ الظَّالِمِينَ 52
Pagsasalin:
Huwag kang magtaboy sa mga dumadalangin sa Panginoon nila sa umaga at dapit-hapon, na nagnanais [ng ikalulugod] ng mukha Niya. Walang kailangan sa iyo na pagtutuos sa kanila sa anuman at walang pagtutuos sa iyo na kailangan sa kanila sa anuman, para magtaboy ka sa kanila para ikaw ay maging kabilang sa mga tagalabag sa katarungan. Al-An‘ām 6:52
Tafsīr:
Huwag kang magpalayo, O Sugo, sa pagtitipon mo ng mga maralita ng mga Muslim na nasa isang pagsambang palagian kay Allāh sa simula ng maghapon at katapusan nito bilang mga nagpapakawagas sa pag-ukol sa Kanya ng pagsamba. Huwag kang magpalayo sa kanila upang makaakit ka ng mga pinakamalaki sa mga tagapagtambal. Walang kailangan sa iyo na pagtutuos sa mga maralitang ito sa anuman. Ang pagtutuos sa kanila ay nasa ganang Panginoon nila lamang. Walang kailangan sa kanila na pagtutuos sa iyo sa anuman. Tunay na ikaw, kung nagpalayo ka sa kanila sa pagtitipon mo, ay magiging kabilang sa mga lumalampas sa mga hangganan ni Allāh.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 51 Susunod Al-An‘ām • Talata 53