Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 53 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 53 sa 165 • Tagalog


وَكَذَٰلِكَ فَتَنَّا بَعْضَهُمْ بِبَعْضٍ لِيَقُولُوا أَهَٰؤُلَاءِ مَنَّ اللَّهُ عَلَيْهِمْ مِنْ بَيْنِنَا ۗ أَلَيْسَ اللَّهُ بِأَعْلَمَ بِالشَّاكِرِينَ 53
Pagsasalin:
Gayon Kami tumukso sa ilan sa kanila sa pamamagitan ng iba pa upang magsabi sila: “Ang mga ito ba ay nagmagandang-loob si Allāh [sa pagpatnubay] sa kanila sa gitna namin?” Hindi ba si Allāh ay higit na maalam sa mga tagapagpasalamat? Al-An‘ām 6:53
Tafsīr:
Gayon Kami sumubok sa ilan sa kanila sa pamamagitan ng iba pa kaya ginawa Namin sila na mga nagkakaibahan sa mga kapalarang pangmundo. Sumubok Kami sa kanila ng ganoon upang magsabi ang mga mayamang tagatangging sumampalataya sa mga maralita ng mga mananampalataya: "Ang mga maralitang ito ba ay nagmagandang-loob si Allāh sa kanila sa pamamagitan ng kapatnubayan sa gitna namin? Kung sakaling ang pananampalataya ay mabuti, hindi sana nila kami naunahan doon sapagkat kami ay ang mga may pangunguna." Hindi ba si Allāh ay higit na nakaaalam sa mga tagapagpasalamat sa mga biyaya Niya para magtuon Siya sa kanila sa pananampalataya at higit na nakaaalam sa mga tagatangging kumilala sa mga ito para magtatwa Siya sa kanila sapagkat hindi sila sumasampalataya? Oo nga; tunay na si Allāh ay higit na maalam sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 52 Susunod Al-An‘ām • Talata 54