Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 54 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 54 sa 165 • Tagalog


وَإِذَا جَاءَكَ الَّذِينَ يُؤْمِنُونَ بِآيَاتِنَا فَقُلْ سَلَامٌ عَلَيْكُمْ ۖ كَتَبَ رَبُّكُمْ عَلَىٰ نَفْسِهِ الرَّحْمَةَ ۖ أَنَّهُ مَنْ عَمِلَ مِنْكُمْ سُوءًا بِجَهَالَةٍ ثُمَّ تَابَ مِنْ بَعْدِهِ وَأَصْلَحَ فَأَنَّهُ غَفُورٌ رَحِيمٌ 54
Pagsasalin:
Kapag dumating sa iyo ang mga sumasampalataya sa mga talata Namin [sa Qur’ān] ay sabihin mo: “Kapayapaan ay sumainyo.” Nagtakda ang Panginoon ninyo sa sarili Niya ng pagkaawa: na ang sinumang gumawa kabilang sa inyo ng kasagwaan dahil sa kamangmangan, pagkatapos nagbalik-loob matapos na nito at nagsaayos, tunay na Siya ay Mapagpatawad, Maawain. Al-An‘ām 6:54
Tafsīr:
Kapag dumating sa iyo, O Sugo, ang mga sumasampalataya sa mga tanda ni Allāh na sumasaksi sa katapatan ng inihatid mo ay gumanti ka sa kanila ng pagbati ng kapayapaan bilang pagpaparangal sa kanila. Magbalita ka sa kanila ng nakalulugod na lawak ng awa ni Allāh sapagkat nagsatungkulin Siya sa sarili Niya ng pagkaawa bilang pagsasatungkulin ng pagmamabuting-loob. Ang sinumang nakagawa kabilang sa inyo ng isang pagsuway sa sandali ng kamangmangan at kahunghangan, pagkatapos nagbalik-loob nang matapos ng pagkagawa niya nito at nagsaayos ng gawain niya, tunay na si Allāh ay magpapatawad sa kanya sa nagawa niya sapagkat si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 53 Susunod Al-An‘ām • Talata 55