Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 52)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 52

وَلَا تَطْرُدِ الَّذِينَ يَدْعُونَ رَبَّهُمْ بِالْغَدَاةِ وَالْعَشِيِّ يُرِيدُونَ وَجْهَهُ ۖ مَا عَلَيْكَ مِنْ حِسَابِهِمْ مِنْ شَيْءٍ وَمَا مِنْ حِسَابِكَ عَلَيْهِمْ مِنْ شَيْءٍ فَتَطْرُدَهُمْ فَتَكُونَ مِنَ الظَّالِمِينَ 52 ٥٢

Huwag kang magtaboy sa mga dumadalangin sa Panginoon nila sa umaga at dapit-hapon, na nagnanais [ng ikalulugod] ng mukha Niya. Walang kailangan sa iyo na pagtutuos sa kanila sa anuman at walang pagtutuos sa iyo na kailangan sa kanila sa anuman, para magtaboy ka sa kanila para ikaw ay maging kabilang sa mga tagalabag sa katarungan. (52)

Tafsīr
Huwag kang magpalayo, O Sugo, sa pagtitipon mo ng mga maralita ng mga Muslim na nasa isang pagsambang palagian kay Allāh sa simula ng maghapon at katapusan nito bilang mga nagpapakawagas sa pag-ukol sa Kanya ng pagsamba. Huwag kang magpalayo sa kanila upang makaakit ka ng mga pinakamalaki sa mga tagapagtambal. Walang kailangan sa iyo na pagtutuos sa mga maralitang ito sa anuman. Ang pagtutuos sa kanila ay nasa ganang Panginoon nila lamang. Walang kailangan sa kanila na pagtutuos sa iyo sa anuman. Tunay na ikaw, kung nagpalayo ka sa kanila sa pagtitipon mo, ay magiging kabilang sa mga lumalampas sa mga hangganan ni Allāh.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba