Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 53)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 53

وَكَذَٰلِكَ فَتَنَّا بَعْضَهُمْ بِبَعْضٍ لِيَقُولُوا أَهَٰؤُلَاءِ مَنَّ اللَّهُ عَلَيْهِمْ مِنْ بَيْنِنَا ۗ أَلَيْسَ اللَّهُ بِأَعْلَمَ بِالشَّاكِرِينَ 53 ٥٣

Gayon Kami tumukso sa ilan sa kanila sa pamamagitan ng iba pa upang magsabi sila: “Ang mga ito ba ay nagmagandang-loob si Allāh [sa pagpatnubay] sa kanila sa gitna namin?” Hindi ba si Allāh ay higit na maalam sa mga tagapagpasalamat? (53)

Tafsīr
Gayon Kami sumubok sa ilan sa kanila sa pamamagitan ng iba pa kaya ginawa Namin sila na mga nagkakaibahan sa mga kapalarang pangmundo. Sumubok Kami sa kanila ng ganoon upang magsabi ang mga mayamang tagatangging sumampalataya sa mga maralita ng mga mananampalataya: "Ang mga maralitang ito ba ay nagmagandang-loob si Allāh sa kanila sa pamamagitan ng kapatnubayan sa gitna namin? Kung sakaling ang pananampalataya ay mabuti, hindi sana nila kami naunahan doon sapagkat kami ay ang mga may pangunguna." Hindi ba si Allāh ay higit na nakaaalam sa mga tagapagpasalamat sa mga biyaya Niya para magtuon Siya sa kanila sa pananampalataya at higit na nakaaalam sa mga tagatangging kumilala sa mga ito para magtatwa Siya sa kanila sapagkat hindi sila sumasampalataya? Oo nga; tunay na si Allāh ay higit na maalam sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba