Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 54)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
Kapag dumating sa iyo ang mga sumasampalataya sa mga talata Namin [sa Qur’ān] ay sabihin mo: “Kapayapaan ay sumainyo.” Nagtakda ang Panginoon ninyo sa sarili Niya ng pagkaawa: na ang sinumang gumawa kabilang sa inyo ng kasagwaan dahil sa kamangmangan, pagkatapos nagbalik-loob matapos na nito at nagsaayos, tunay na Siya ay Mapagpatawad, Maawain. (54)
Tafsīr
Kapag dumating sa iyo, O Sugo, ang mga sumasampalataya sa mga tanda ni Allāh na sumasaksi sa katapatan ng inihatid mo ay gumanti ka sa kanila ng pagbati ng kapayapaan bilang pagpaparangal sa kanila. Magbalita ka sa kanila ng nakalulugod na lawak ng awa ni Allāh sapagkat nagsatungkulin Siya sa sarili Niya ng pagkaawa bilang pagsasatungkulin ng pagmamabuting-loob. Ang sinumang nakagawa kabilang sa inyo ng isang pagsuway sa sandali ng kamangmangan at kahunghangan, pagkatapos nagbalik-loob nang matapos ng pagkagawa niya nito at nagsaayos ng gawain niya, tunay na si Allāh ay magpapatawad sa kanya sa nagawa niya sapagkat si Allāh ay Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: