Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 56)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 56

قُلْ إِنِّي نُهِيتُ أَنْ أَعْبُدَ الَّذِينَ تَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ ۚ قُلْ لَا أَتَّبِعُ أَهْوَاءَكُمْ ۙ قَدْ ضَلَلْتُ إِذًا وَمَا أَنَا مِنَ الْمُهْتَدِينَ 56 ٥٦

Sabihin mo: “Tunay na ako ay sinaway na sumamba sa mga dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh.” Sabihin mo: “Hindi ako sumusunod sa mga pithaya ninyo; naligaw nga sana ako samakatuwid at hindi sana ako kabilang sa mga napapatnubayan.” (56)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ako ay sinaway ni Allāh sa pagsamba sa mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh." Sabihin mo, O Sugo: "Hindi ako sumusunod sa mga pithaya ninyo sa pagsamba sa iba pa kay Allāh sapagkat ako, kung sumunod sa mga pithaya ninyo roon, ay magiging isang naliligaw palayo sa daan ng katotohanan, na hindi napapatnubayan tungo roon." Ito ang lagay ng bawat sumunod sa pithaya nang walang patotoo mula kay Allāh.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba