Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 56 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 56 sa 165 • Tagalog


قُلْ إِنِّي نُهِيتُ أَنْ أَعْبُدَ الَّذِينَ تَدْعُونَ مِنْ دُونِ اللَّهِ ۚ قُلْ لَا أَتَّبِعُ أَهْوَاءَكُمْ ۙ قَدْ ضَلَلْتُ إِذًا وَمَا أَنَا مِنَ الْمُهْتَدِينَ 56
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Tunay na ako ay sinaway na sumamba sa mga dinadalanginan ninyo bukod pa kay Allāh.” Sabihin mo: “Hindi ako sumusunod sa mga pithaya ninyo; naligaw nga sana ako samakatuwid at hindi sana ako kabilang sa mga napapatnubayan.” Al-An‘ām 6:56
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo: "Tunay na ako ay sinaway ni Allāh sa pagsamba sa mga sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh." Sabihin mo, O Sugo: "Hindi ako sumusunod sa mga pithaya ninyo sa pagsamba sa iba pa kay Allāh sapagkat ako, kung sumunod sa mga pithaya ninyo roon, ay magiging isang naliligaw palayo sa daan ng katotohanan, na hindi napapatnubayan tungo roon." Ito ang lagay ng bawat sumunod sa pithaya nang walang patotoo mula kay Allāh.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 55 Susunod Al-An‘ām • Talata 57