Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 57 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 57 sa 165 • Tagalog


قُلْ إِنِّي عَلَىٰ بَيِّنَةٍ مِنْ رَبِّي وَكَذَّبْتُمْ بِهِ ۚ مَا عِنْدِي مَا تَسْتَعْجِلُونَ بِهِ ۚ إِنِ الْحُكْمُ إِلَّا لِلَّهِ ۖ يَقُصُّ الْحَقَّ ۖ وَهُوَ خَيْرُ الْفَاصِلِينَ 57
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Tunay na ako ay nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ko at nagpasinungaling kayo rito. Hindi nasa ganang akin ang minamadali ninyo. Ang paghahatol ay ukol kay Allāh lamang. Isinasalaysay Niya ang katotohanan at Siya ay ang pinakamainam sa mga tagabukod.” Al-An‘ām 6:57
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Tunay na ako ay nasa isang maliwanag na patotoo mula sa Panginoon ko, hindi nasa isang pithaya, samantalang kayo ay nagpasinungaling sa patotoong ito. Wala sa ganang akin ang minamadali ninyo na pagdurusa at mga tandang mahimala na hiniling ninyo. Iyon ay nasa mga kamay ni Allāh lamang sapagkat ang paghahatol – at bahagi ng kabuuan nito ang hiniling ninyo – ay ukol kay Allāh lamang. Nagsasabi Siya ng katotohanan at humahatol Siya nito. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay pinakamainam na naglinaw at nagbukod sa tagapagtotoo mula sa tagapagpabula."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 56 Susunod Al-An‘ām • Talata 58