Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 57)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 57

قُلْ إِنِّي عَلَىٰ بَيِّنَةٍ مِنْ رَبِّي وَكَذَّبْتُمْ بِهِ ۚ مَا عِنْدِي مَا تَسْتَعْجِلُونَ بِهِ ۚ إِنِ الْحُكْمُ إِلَّا لِلَّهِ ۖ يَقُصُّ الْحَقَّ ۖ وَهُوَ خَيْرُ الْفَاصِلِينَ 57 ٥٧

Sabihin mo: “Tunay na ako ay nasa isang malinaw na patunay mula sa Panginoon ko at nagpasinungaling kayo rito. Hindi nasa ganang akin ang minamadali ninyo. Ang paghahatol ay ukol kay Allāh lamang. Isinasalaysay Niya ang katotohanan at Siya ay ang pinakamainam sa mga tagabukod.” (57)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Tunay na ako ay nasa isang maliwanag na patotoo mula sa Panginoon ko, hindi nasa isang pithaya, samantalang kayo ay nagpasinungaling sa patotoong ito. Wala sa ganang akin ang minamadali ninyo na pagdurusa at mga tandang mahimala na hiniling ninyo. Iyon ay nasa mga kamay ni Allāh lamang sapagkat ang paghahatol – at bahagi ng kabuuan nito ang hiniling ninyo – ay ukol kay Allāh lamang. Nagsasabi Siya ng katotohanan at humahatol Siya nito. Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay pinakamainam na naglinaw at nagbukod sa tagapagtotoo mula sa tagapagpabula."

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba