Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 59)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 59

وَعِنْدَهُ مَفَاتِحُ الْغَيْبِ لَا يَعْلَمُهَا إِلَّا هُوَ ۚ وَيَعْلَمُ مَا فِي الْبَرِّ وَالْبَحْرِ ۚ وَمَا تَسْقُطُ مِنْ وَرَقَةٍ إِلَّا يَعْلَمُهَا وَلَا حَبَّةٍ فِي ظُلُمَاتِ الْأَرْضِ وَلَا رَطْبٍ وَلَا يَابِسٍ إِلَّا فِي كِتَابٍ مُبِينٍ 59 ٥٩

Taglay Niya ang mga susi ng nakalingid; walang nakaaalam sa mga iyon kundi Siya. Nalalaman Niya ang anumang nasa katihan at karagatan. Walang nalalaglag na anumang dahon malibang nalalaman Niya ito. Walang butil sa mga kadiliman ng lupa at walang mahalumigmig ni tuyot malibang nasa isang aklat na malinaw. (59)

Tafsīr
Nasa kay Allāh lamang ang mga imbakan ng Lingid; hindi nakaaalam sa mga iyon ang iba pa sa Kanya. Nakaaalam Siya sa lahat ng nasa katihan na mga nilikha na hayop, halaman, at walang-buhay na bagay. Nakaaalam Siya sa anumang nasa dagat na hayop, halaman, walang-buhay na bagay, at anumang nalalaglag na dahon sa alinmang pook. Walang natatagpuang isang butil na nakatago sa lupa, walang natatagpuang isang mahalumigmig, at walang natatagpuang isang tuyot malibang ito ay pinagtibay sa isang talaang maliwanag, ang Tablerong Pinag-iingatan.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba