Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 61)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 61

وَهُوَ الْقَاهِرُ فَوْقَ عِبَادِهِ ۖ وَيُرْسِلُ عَلَيْكُمْ حَفَظَةً حَتَّىٰ إِذَا جَاءَ أَحَدَكُمُ الْمَوْتُ تَوَفَّتْهُ رُسُلُنَا وَهُمْ لَا يُفَرِّطُونَ 61 ٦١

Siya ay ang Tagagapi sa ibabaw ng mga lingkod Niya. Nagsusugo Siya sa inyo ng mga [anghel na] tagapag-ingat; hanggang sa nang dumating sa isa sa inyo ang kamatayan ay nagpapanaw rito ang mga [anghel ng kamatayan na] sugo Namin habang sila ay hindi nagpapabaya. (61)

Tafsīr
Siya ay ang tagapanaig sa mga lingkod Niya, ang tagapag-aba sa kanila, ang nakatataas sa kanila sa bawat paraan, na nagpasailalim sa Kanya ang bawat bagay, na nasa ibabaw ng mga lingkod Niya ayon sa pagkaibabaw na naaangkop sa kapitaganan sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya. Nagpapadala Siya sa inyo, O mga tao, ng mga anghel na mararangal na nag-isa-isa sa mga gawa ninyo hanggang sa matapos ang taning ng isa sa inyo sa pamamagitan ng pagkuha ng anghel ng kamatayan at mga katulong nito sa kaluluwa niya. Sila ay hindi nagkukulang sa ipinag-utos sa kanila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba