Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 70)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 70

وَذَرِ الَّذِينَ اتَّخَذُوا دِينَهُمْ لَعِبًا وَلَهْوًا وَغَرَّتْهُمُ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا ۚ وَذَكِّرْ بِهِ أَنْ تُبْسَلَ نَفْسٌ بِمَا كَسَبَتْ لَيْسَ لَهَا مِنْ دُونِ اللَّهِ وَلِيٌّ وَلَا شَفِيعٌ وَإِنْ تَعْدِلْ كُلَّ عَدْلٍ لَا يُؤْخَذْ مِنْهَا ۗ أُولَٰئِكَ الَّذِينَ أُبْسِلُوا بِمَا كَسَبُوا ۖ لَهُمْ شَرَابٌ مِنْ حَمِيمٍ وَعَذَابٌ أَلِيمٌ بِمَا كَانُوا يَكْفُرُونَ 70 ٧٠

Hayaan mo ang mga gumawa sa relihiyon nila bilang laro at paglilibang at luminlang sa kanila ang buhay na pangmundo. Magpaalaala ka sa pamamagitan nito na baka may mapariwarang isang kaluluwa dahil sa nakamit niya [na mga kasagwaan], na walang ukol sa kanya bukod pa kay Allāh na anumang katangkilik ni mapagpamagitan. Kahit tubusin niya ng bawat pantubos ay hindi iyon kukunin mula sa kanya. Ang mga iyon ay ang mga napariwara dahil sa nakamit nila [na mga pagsuway]. Para sa kanila ay isang inumin mula sa nakapapasong tubig at isang pagdurusang masakit dahil dati silang tumatangging sumampalataya. (70)

Tafsīr
Pabayaan mo, O Sugo, ang mga tagapagtambal na ito na gumawa sa relihiyon nila bilang laro at paglilibang, na nanlalait dito at nangungutya rito. Dumaya sa kanila ang buhay na pangmundo sa pamamagitan ng taglay nito na mga kasiyahang naglalaho. Mangaral ka, O Propeta, ng Qur'ān sa mga tao upang hindi maisuko ang isang kaluluwa sa kapahamakan dahilan sa nakamit niya na mga masagwang gawa. Walang ukol sa kanya, bukod pa kay Allāh, na isang kakamping pagpapaadyaan niya ni isang tagapagpagitnang makapipigil para sa kanya ng pagdurusang dulot ni Allāh sa Araw ng Pagbangon. Kapag tutubos siya [ng sarili] mula sa pagdurusang dulot ni Allāh sa pamamagitan ng alinmang pantubos ay hindi tatanggapin mula sa kanya. Ang mga nagsukong iyon sa kapahamakan ng mga sarili nila dahilan sa nagawa nila na mga pagsuway, ukol sa kanila sa Araw ng Pagbangon ay isang lumabis-labis sa init at isang pagdurusang nakasasakit dahilan sa kawalang-pananampalataya nila.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba