Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 70 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 70 sa 165 • Tagalog


وَذَرِ الَّذِينَ اتَّخَذُوا دِينَهُمْ لَعِبًا وَلَهْوًا وَغَرَّتْهُمُ الْحَيَاةُ الدُّنْيَا ۚ وَذَكِّرْ بِهِ أَنْ تُبْسَلَ نَفْسٌ بِمَا كَسَبَتْ لَيْسَ لَهَا مِنْ دُونِ اللَّهِ وَلِيٌّ وَلَا شَفِيعٌ وَإِنْ تَعْدِلْ كُلَّ عَدْلٍ لَا يُؤْخَذْ مِنْهَا ۗ أُولَٰئِكَ الَّذِينَ أُبْسِلُوا بِمَا كَسَبُوا ۖ لَهُمْ شَرَابٌ مِنْ حَمِيمٍ وَعَذَابٌ أَلِيمٌ بِمَا كَانُوا يَكْفُرُونَ 70
Pagsasalin:
Hayaan mo ang mga gumawa sa relihiyon nila bilang laro at paglilibang at luminlang sa kanila ang buhay na pangmundo. Magpaalaala ka sa pamamagitan nito na baka may mapariwarang isang kaluluwa dahil sa nakamit niya [na mga kasagwaan], na walang ukol sa kanya bukod pa kay Allāh na anumang katangkilik ni mapagpamagitan. Kahit tubusin niya ng bawat pantubos ay hindi iyon kukunin mula sa kanya. Ang mga iyon ay ang mga napariwara dahil sa nakamit nila [na mga pagsuway]. Para sa kanila ay isang inumin mula sa nakapapasong tubig at isang pagdurusang masakit dahil dati silang tumatangging sumampalataya. Al-An‘ām 6:70
Tafsīr:
Pabayaan mo, O Sugo, ang mga tagapagtambal na ito na gumawa sa relihiyon nila bilang laro at paglilibang, na nanlalait dito at nangungutya rito. Dumaya sa kanila ang buhay na pangmundo sa pamamagitan ng taglay nito na mga kasiyahang naglalaho. Mangaral ka, O Propeta, ng Qur'ān sa mga tao upang hindi maisuko ang isang kaluluwa sa kapahamakan dahilan sa nakamit niya na mga masagwang gawa. Walang ukol sa kanya, bukod pa kay Allāh, na isang kakamping pagpapaadyaan niya ni isang tagapagpagitnang makapipigil para sa kanya ng pagdurusang dulot ni Allāh sa Araw ng Pagbangon. Kapag tutubos siya [ng sarili] mula sa pagdurusang dulot ni Allāh sa pamamagitan ng alinmang pantubos ay hindi tatanggapin mula sa kanya. Ang mga nagsukong iyon sa kapahamakan ng mga sarili nila dahilan sa nagawa nila na mga pagsuway, ukol sa kanila sa Araw ng Pagbangon ay isang lumabis-labis sa init at isang pagdurusang nakasasakit dahilan sa kawalang-pananampalataya nila.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 69 Susunod Al-An‘ām • Talata 71