Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 71 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 71 sa 165 • Tagalog


قُلْ أَنَدْعُو مِنْ دُونِ اللَّهِ مَا لَا يَنْفَعُنَا وَلَا يَضُرُّنَا وَنُرَدُّ عَلَىٰ أَعْقَابِنَا بَعْدَ إِذْ هَدَانَا اللَّهُ كَالَّذِي اسْتَهْوَتْهُ الشَّيَاطِينُ فِي الْأَرْضِ حَيْرَانَ لَهُ أَصْحَابٌ يَدْعُونَهُ إِلَى الْهُدَى ائْتِنَا ۗ قُلْ إِنَّ هُدَى اللَّهِ هُوَ الْهُدَىٰ ۖ وَأُمِرْنَا لِنُسْلِمَ لِرَبِّ الْعَالَمِينَ 71
Pagsasalin:
Sabihin mo: “Dadalangin ba kami sa bukod pa kay Allāh, na hindi nakapagpapakinabang sa amin at hindi nakapipinsala sa amin? Panunumbalikin kami sa [dinaanan ng] mga sakong namin matapos noong pumatnubay sa amin si Allāh, gaya ng hinalina ng mga demonyo sa lupa na litung-lito habang mayroon siyang mga kasamahang nag-aanyaya sa kanya tungo sa patnubay, [na nagsasabi]: Pumunta ka sa amin.” Sabihin mo: “Tunay na ang patnubay ni Allāh ay ang patnubay. Inutusan tayo upang magpasakop tayo sa Panginoon ng mga nilalang, Al-An‘ām 6:71
Tafsīr:
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Sasamba ba kami sa bukod pa kay Allāh, na mga diyus-diyusang hindi nakapagdudulot ng pakinabang para magpakinabang sa amin ni ng pinsala para maminsala sa amin; at tatalikod kami sa pananampalataya matapos na magtuon sa amin si Allāh rito kaya kami ay magiging tulad ng iniligaw ng mga demonyo saka iniwang litung-lito na hindi napapatnubayan sa landas, habang mayroon siyang mga kasamahan sa daang tuwid na nag-aanyaya sa kanya tungo sa katotohanan samantalang siya naman ay nagpipigil sa pagtugon sa kanila sa inaanyaya nila sa kanya?" Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Tunay na ang patnubay ni Allāh ay ang patnubay na totoo. Nag-utos nga sa amin si Allāh na magpaakay kami sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – sa pamamagitan ng pananatili sa paniniwala sa kaisahan Niya at pagsamba sa Kanya lamang sapagkat Siya ay Panginoon ng mga nilalang.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 70 Susunod Al-An‘ām • Talata 72