Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 71)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 71

قُلْ أَنَدْعُو مِنْ دُونِ اللَّهِ مَا لَا يَنْفَعُنَا وَلَا يَضُرُّنَا وَنُرَدُّ عَلَىٰ أَعْقَابِنَا بَعْدَ إِذْ هَدَانَا اللَّهُ كَالَّذِي اسْتَهْوَتْهُ الشَّيَاطِينُ فِي الْأَرْضِ حَيْرَانَ لَهُ أَصْحَابٌ يَدْعُونَهُ إِلَى الْهُدَى ائْتِنَا ۗ قُلْ إِنَّ هُدَى اللَّهِ هُوَ الْهُدَىٰ ۖ وَأُمِرْنَا لِنُسْلِمَ لِرَبِّ الْعَالَمِينَ 71 ٧١

Sabihin mo: “Dadalangin ba kami sa bukod pa kay Allāh, na hindi nakapagpapakinabang sa amin at hindi nakapipinsala sa amin? Panunumbalikin kami sa [dinaanan ng] mga sakong namin matapos noong pumatnubay sa amin si Allāh, gaya ng hinalina ng mga demonyo sa lupa na litung-lito habang mayroon siyang mga kasamahang nag-aanyaya sa kanya tungo sa patnubay, [na nagsasabi]: Pumunta ka sa amin.” Sabihin mo: “Tunay na ang patnubay ni Allāh ay ang patnubay. Inutusan tayo upang magpasakop tayo sa Panginoon ng mga nilalang, (71)

Tafsīr
Sabihin mo, O Sugo, sa mga tagapagtambal na ito: "Sasamba ba kami sa bukod pa kay Allāh, na mga diyus-diyusang hindi nakapagdudulot ng pakinabang para magpakinabang sa amin ni ng pinsala para maminsala sa amin; at tatalikod kami sa pananampalataya matapos na magtuon sa amin si Allāh rito kaya kami ay magiging tulad ng iniligaw ng mga demonyo saka iniwang litung-lito na hindi napapatnubayan sa landas, habang mayroon siyang mga kasamahan sa daang tuwid na nag-aanyaya sa kanya tungo sa katotohanan samantalang siya naman ay nagpipigil sa pagtugon sa kanila sa inaanyaya nila sa kanya?" Sabihin mo sa kanila, O Sugo: "Tunay na ang patnubay ni Allāh ay ang patnubay na totoo. Nag-utos nga sa amin si Allāh na magpaakay kami sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – sa pamamagitan ng pananatili sa paniniwala sa kaisahan Niya at pagsamba sa Kanya lamang sapagkat Siya ay Panginoon ng mga nilalang.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba