Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 73)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 73

وَهُوَ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ بِالْحَقِّ ۖ وَيَوْمَ يَقُولُ كُنْ فَيَكُونُ ۚ قَوْلُهُ الْحَقُّ ۚ وَلَهُ الْمُلْكُ يَوْمَ يُنْفَخُ فِي الصُّورِ ۚ عَالِمُ الْغَيْبِ وَالشَّهَادَةِ ۚ وَهُوَ الْحَكِيمُ الْخَبِيرُ 73 ٧٣

Siya ay ang lumikha ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan. Sa Araw na magsasabi Siya na mangyari saka mangyayari ito, ang sabi Niya ay ang katotohanan. Sa Kanya ang paghahari sa Araw na iihip sa tambuli. [Siya] ang Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan. Siya ay ang Marunong, ang Mapagbatid. (73)

Tafsīr
Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay ang lumikha ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan. Sa araw na magsasabi Siya sa anuman na mangyari ay mangyayari ito. Kapag magsasabi Siya sa Araw ng Pagbangon na bumangon kayo ay babangon sila. Ang sabi Niya ay ang katapatan na magaganap nang walang pasubali. Sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – tanging sa Kanya, ang paghahari sa Araw ng Pagbangon kapag iihip si Anghel Isrāfīl sa sungay sa ikalawang pag-ihip. [Siya] ang Nakaaalam sa anumang nalingid at ang Nakaaalam sa anumang nasaksihan. Siya ay ang Marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya, ang Mapagbatid na walang nakakukubli sa Kanya na anuman kaya naman ang mga nakalihim sa mga bagay-bagay sa ganang Kanya ay gaya ng mga nakalantad sa mga ito.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba