Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 73 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 73 sa 165 • Tagalog


وَهُوَ الَّذِي خَلَقَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضَ بِالْحَقِّ ۖ وَيَوْمَ يَقُولُ كُنْ فَيَكُونُ ۚ قَوْلُهُ الْحَقُّ ۚ وَلَهُ الْمُلْكُ يَوْمَ يُنْفَخُ فِي الصُّورِ ۚ عَالِمُ الْغَيْبِ وَالشَّهَادَةِ ۚ وَهُوَ الْحَكِيمُ الْخَبِيرُ 73
Pagsasalin:
Siya ay ang lumikha ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan. Sa Araw na magsasabi Siya na mangyari saka mangyayari ito, ang sabi Niya ay ang katotohanan. Sa Kanya ang paghahari sa Araw na iihip sa tambuli. [Siya] ang Tagaalam sa nakalingid at nasasaksihan. Siya ay ang Marunong, ang Mapagbatid. Al-An‘ām 6:73
Tafsīr:
Siya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – ay ang lumikha ng mga langit at lupa ayon sa katotohanan. Sa araw na magsasabi Siya sa anuman na mangyari ay mangyayari ito. Kapag magsasabi Siya sa Araw ng Pagbangon na bumangon kayo ay babangon sila. Ang sabi Niya ay ang katapatan na magaganap nang walang pasubali. Sa Kanya – kaluwalhatian sa Kanya at pagkataas-taas Siya – tanging sa Kanya, ang paghahari sa Araw ng Pagbangon kapag iihip si Anghel Isrāfīl sa sungay sa ikalawang pag-ihip. [Siya] ang Nakaaalam sa anumang nalingid at ang Nakaaalam sa anumang nasaksihan. Siya ay ang Marunong sa paglikha Niya at pangangasiwa Niya, ang Mapagbatid na walang nakakukubli sa Kanya na anuman kaya naman ang mga nakalihim sa mga bagay-bagay sa ganang Kanya ay gaya ng mga nakalantad sa mga ito.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 72 Susunod Al-An‘ām • Talata 74