Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 74 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 74 sa 165 • Tagalog


وَإِذْ قَالَ إِبْرَاهِيمُ لِأَبِيهِ آزَرَ أَتَتَّخِذُ أَصْنَامًا آلِهَةً ۖ إِنِّي أَرَاكَ وَقَوْمَكَ فِي ضَلَالٍ مُبِينٍ 74
Pagsasalin:
[Banggitin] noong nagsabi si Abraham sa ama niyang si Āzar: “Gumagawa ka ba sa mga anito bilang mga diyos? Tunay na ako ay nakakikita sa iyo at mga kalipi mo sa isang pagkaligaw na malinaw.” Al-An‘ām 6:74
Tafsīr:
Banggitin mo, O Sugo, nang nagsabi si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa ama niyang tagapagtambal na si Āzar: "O Ama ko, gumagawa ka ba sa mga anito bilang mga diyos na sinasamba mo bukod pa kay Allāh? Tunay na ako ay nakakikita sa iyo at mga kalipi mong sumasamba sa mga diyus-diyusan sa isang pagkaligaw na malinaw at isang kalituhan sa daan ng katotohanan dahilan sa pagsamba ninyo sa iba pa kay Allāh sapagkat Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang sinasamba ayon sa karapatan samantalang ang iba pa sa Kanya ay isang sinasamba ayon sa kabulaanan."
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 73 Susunod Al-An‘ām • Talata 75