Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 75 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 75 sa 165 • Tagalog


وَكَذَٰلِكَ نُرِي إِبْرَاهِيمَ مَلَكُوتَ السَّمَاوَاتِ وَالْأَرْضِ وَلِيَكُونَ مِنَ الْمُوقِنِينَ 75
Pagsasalin:
Gayon Kami nagpapakita kay Abraham ng kaharian ng mga langit at lupa at upang siya ay maging kabilang sa mga nakatitiyak [sa pananampalataya]. Al-An‘ām 6:75
Tafsīr:
Gaya ng pagpapakita ni Allāh kay Abraham ng pagkaligaw ng ama nito at mga kalipi nito, ipinakita ni Allāh kay Abraham ang malawak na paghahari sa mga langit at lupa upang makapagpatunay ito sa pamamagitan ng malawak na paghaharing iyon sa kaisahan ni Allāh at pagkakarapat-dapat Niya sa pagsamba – tanging Siya – upang si Abraham ay maging kabilang sa mga nakatitiyak na Siya ay nag-iisa – walang katambal sa Kanya – at na Siya ay Nakakakaya sa bawat bagay.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 74 Susunod Al-An‘ām • Talata 76