Kaya noong tumakip sa kanya ang gabi ay nakakita siya ng isang tala. Nagsabi siya: “Ito ay Panginoon ko;” ngunit noong lumubog ito ay nagsabi siya: “Hindi ko naiibigan ang mga lumulubog.” Al-An‘ām 6:76 ⧉
Tafsīr:
Kaya noong dumilim sa kanya ang gabi ay nakakita siya ng isang tala kaya nagsabi: "Ito ay Panginoon ko;" ngunit noong naglaho ang tala ay nagsabi siya: "Hindi ko naiibigan ang naglalaho dahil ang Diyos na totoo ay naririyan, hindi naglalaho."