Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 74)
Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.
[Banggitin] noong nagsabi si Abraham sa ama niyang si Āzar: “Gumagawa ka ba sa mga anito bilang mga diyos? Tunay na ako ay nakakikita sa iyo at mga kalipi mo sa isang pagkaligaw na malinaw.” (74)
Tafsīr
Banggitin mo, O Sugo, nang nagsabi si Abraham – sumakanya ang pagbati ng kapayapaan – sa ama niyang tagapagtambal na si Āzar: "O Ama ko, gumagawa ka ba sa mga anito bilang mga diyos na sinasamba mo bukod pa kay Allāh? Tunay na ako ay nakakikita sa iyo at mga kalipi mong sumasamba sa mga diyus-diyusan sa isang pagkaligaw na malinaw at isang kalituhan sa daan ng katotohanan dahilan sa pagsamba ninyo sa iba pa kay Allāh sapagkat Siya – kaluwalhatian sa Kanya – ay ang sinasamba ayon sa karapatan samantalang ang iba pa sa Kanya ay isang sinasamba ayon sa kabulaanan."
Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba
📖 Mga katulad na pangalan ng Surah na maaaring hinahanap mo: