Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 81)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 81

وَكَيْفَ أَخَافُ مَا أَشْرَكْتُمْ وَلَا تَخَافُونَ أَنَّكُمْ أَشْرَكْتُمْ بِاللَّهِ مَا لَمْ يُنَزِّلْ بِهِ عَلَيْكُمْ سُلْطَانًا ۚ فَأَيُّ الْفَرِيقَيْنِ أَحَقُّ بِالْأَمْنِ ۖ إِنْ كُنْتُمْ تَعْلَمُونَ 81 ٨١

Papaanong mangangamba ako sa anumang itinambal ninyo [kay Allāh] samantalang hindi kayo nangangamba na kayo ay nagtambal kay Allāh ng hindi Siya nagbaba sa inyo ng isang katunayan? Kaya alin sa dalawang pangkat ang higit na karapat-dapat sa katiwasayan, kung kayo ay nakaaalam? (81)

Tafsīr
Papaanong magaganap sa akin ang pangamba para sa anumang sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh gaya ng mga diyus-diyusan samantalang walang nagaganap sa inyo mismo na pangamba dahil sa pagtatambal ninyo kay Allāh nang nagtambal kayo kasama sa Kanya ng nilikha Niya nang walang patotoo para sa inyo roon? Kaya alin sa dalawang umpukan: umpukan ng mga monoteista at umpukan ng mga tagapagtambal, ang higit na karapat-dapat sa katiwasayan at kaligtasan? Kung kayo ay nakaaalam sa higit na karapat-dapat sa dalawa, sumunod kayo roon. Ang karapat-dapat sa dalawa – walang pag-aalinlangan – ay ang umpukan ng mga mananampalatayang monoteista.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba