Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 81 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 81 sa 165 • Tagalog


وَكَيْفَ أَخَافُ مَا أَشْرَكْتُمْ وَلَا تَخَافُونَ أَنَّكُمْ أَشْرَكْتُمْ بِاللَّهِ مَا لَمْ يُنَزِّلْ بِهِ عَلَيْكُمْ سُلْطَانًا ۚ فَأَيُّ الْفَرِيقَيْنِ أَحَقُّ بِالْأَمْنِ ۖ إِنْ كُنْتُمْ تَعْلَمُونَ 81
Pagsasalin:
Papaanong mangangamba ako sa anumang itinambal ninyo [kay Allāh] samantalang hindi kayo nangangamba na kayo ay nagtambal kay Allāh ng hindi Siya nagbaba sa inyo ng isang katunayan? Kaya alin sa dalawang pangkat ang higit na karapat-dapat sa katiwasayan, kung kayo ay nakaaalam? Al-An‘ām 6:81
Tafsīr:
Papaanong magaganap sa akin ang pangamba para sa anumang sinasamba ninyo bukod pa kay Allāh gaya ng mga diyus-diyusan samantalang walang nagaganap sa inyo mismo na pangamba dahil sa pagtatambal ninyo kay Allāh nang nagtambal kayo kasama sa Kanya ng nilikha Niya nang walang patotoo para sa inyo roon? Kaya alin sa dalawang umpukan: umpukan ng mga monoteista at umpukan ng mga tagapagtambal, ang higit na karapat-dapat sa katiwasayan at kaligtasan? Kung kayo ay nakaaalam sa higit na karapat-dapat sa dalawa, sumunod kayo roon. Ang karapat-dapat sa dalawa – walang pag-aalinlangan – ay ang umpukan ng mga mananampalatayang monoteista.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 80 Susunod Al-An‘ām • Talata 82