Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 80 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 80 sa 165 • Tagalog


وَحَاجَّهُ قَوْمُهُ ۚ قَالَ أَتُحَاجُّونِّي فِي اللَّهِ وَقَدْ هَدَانِ ۚ وَلَا أَخَافُ مَا تُشْرِكُونَ بِهِ إِلَّا أَنْ يَشَاءَ رَبِّي شَيْئًا ۗ وَسِعَ رَبِّي كُلَّ شَيْءٍ عِلْمًا ۗ أَفَلَا تَتَذَكَّرُونَ 80
Pagsasalin:
Nangatwiran sa kanya ang mga kalipi niya. Nagsabi siya: “Nangangatwiran ba kayo sa akin hinggil kay Allāh samantalang nagpatnubay nga Siya sa akin? Hindi ako nangangamba sa anumang itinatambal ninyo sa Kanya malibang may niloloob ang Panginoon ko na isang bagay. Sumasaklaw ang Panginoon ko sa bawat bagay sa kaalaman. Kaya hindi ba kayo nakapag-aalaala?” Al-An‘ām 6:80
Tafsīr:
Nakipag-alitan sa kanya ang mga kalipi niyang mga tagapagtambal hinggil sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh – kaluwalhatian sa Kanya. Nagpangamba sila sa kanya laban sa mga anito nila kaya nagsabi siya sa kanila: "Nakikipag-alitan ba kayo sa akin hinggil sa paniniwala sa kaisahan ni Allāh at pagbubukod-tangi sa Kanya sa pagsamba samantalang nagtuon nga sa akin ang Panginoon tungo sa Kanya? Hindi ako nangangamba sa mga anito ninyo sapagkat ang mga ito ay hindi nakapagdudulot ng isang pinsala para maminsala sa akin ni ng isang pakinabang para magpakinabang sa akin malibang niloob ni Allāh sapagkat ang anumang niloob ni Allāh ay mangyayari. Kaalinsabay ng kaalaman ni Allāh sa bawat bagay, walang nakakukubli sa Kanya na anuman sa lupa ni sa langit. Kaya hindi ba kayo nakapag-aalaala, O mga tao, sa kalagayan ninyo na kawalang-pananampalataya kay Allāh at pagtatambal sa Kanya para sumampalataya kayo kay Allāh lamang?"
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 79 Susunod Al-An‘ām • Talata 81