Tunay na ako ay nagbaling ng mukha ko sa naglalang ng mga langit at lupa bilang makatotoo, at ako ay hindi kabilang sa mga tagapagtambal.” Al-An‘ām 6:79 ⧉
Tafsīr:
Tunay na ako ay nagpakawagas sa pag-uukol ng relihiyon ko sa lumikha ng mga langit at lupa nang walang naunang pagkakatulad, habang kumikiling palayo sa pagtatambal tungo sa dalisay na paniniwala sa kaisahan [ni Allāh], at hindi ako kabilang sa mga tagapagtambal na mga sumasamba kasama sa Kanya sa iba pa sa Kanya."