Surah Al-An‘ām (Ang mga Alagang Hayop — الأنعام) (Talata 88)

Gamitin ang tool sa paghahanap sa ibaba upang makita ang isa o higit pang mga Ayah mula sa isang partikular na Surah, kasama ang kanilang salin sa napili mong wika.




6 Al-An‘ām(الأنعام), Talata 88

ذَٰلِكَ هُدَى اللَّهِ يَهْدِي بِهِ مَنْ يَشَاءُ مِنْ عِبَادِهِ ۚ وَلَوْ أَشْرَكُوا لَحَبِطَ عَنْهُمْ مَا كَانُوا يَعْمَلُونَ 88 ٨٨

Iyon ay patnubay ni Allāh; nagpapatnubay Siya sa pamamagitan niyon sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Kung sakaling nagtambal sila ay talaga sanang nawalang-kabuluhan para sa kanila ang dati nilang ginagawa. (88)

Tafsīr
Ang nangyaring iyon sa kanila na pagtutuon ay pagtutuon ni Allāh; nagtutuon Siya roon ng sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Kung sakaling nagtambal sila kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya ay talaga sanang nawalang-saysay ang mga gawa nila dahil ang pagtatambal ay isang tagapawalang-saysay sa gawaing maayos.

Bilang alternatibo, maaari mong gamitin ang matalinong tampok sa paghahanap sa ibaba