Iyon ay patnubay ni Allāh; nagpapatnubay Siya sa pamamagitan niyon sa sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Kung sakaling nagtambal sila ay talaga sanang nawalang-kabuluhan para sa kanila ang dati nilang ginagawa. Al-An‘ām 6:88 ⧉
Tafsīr:
Ang nangyaring iyon sa kanila na pagtutuon ay pagtutuon ni Allāh; nagtutuon Siya roon ng sinumang niloloob Niya kabilang sa mga lingkod Niya. Kung sakaling nagtambal sila kasama kay Allāh ng iba pa sa Kanya ay talaga sanang nawalang-saysay ang mga gawa nila dahil ang pagtatambal ay isang tagapawalang-saysay sa gawaing maayos.