Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 89 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 89 sa 165 • Tagalog


أُولَٰئِكَ الَّذِينَ آتَيْنَاهُمُ الْكِتَابَ وَالْحُكْمَ وَالنُّبُوَّةَ ۚ فَإِنْ يَكْفُرْ بِهَا هَٰؤُلَاءِ فَقَدْ وَكَّلْنَا بِهَا قَوْمًا لَيْسُوا بِهَا بِكَافِرِينَ 89
Pagsasalin:
Ang mga iyon ay ang mga binigyan Namin ng Kasulatan, dunong, at pagkapropeta; ngunit kung tatangging sumampalataya sa mga iyan ang mga ito, naipagkatiwala na Namin ang mga iyan sa mga tao na sa mga iyan ay hindi mga tagatangging sumampalataya. Al-An‘ām 6:89
Tafsīr:
Ang mga propetang nabanggit na iyon ay ang mga binigyan Namin ng mga kasulatan, binigyan Namin ng karunungan, at binigyan Namin ng pagkapropeta; ngunit kung tatangging sumampalataya ang mga kalipi mo sa ibinigay Namin sa mga iyon na tatlong ito, naglaan na Kami para sa mga iyan at nagtalaga Kami ng mga taong hindi mga tagatangging sumampalataya sa mga iyan. Bagkus sila ay mga mananampalatayang kumakapit sa mga iyan. Sila ay ang mga lumikas, ang mga tagaadya, at ang mga sumunod sa kanila ayon sa pamamagitan ng paggawa ng maganda hanggang sa Araw ng Paggagantimpala.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 88 Susunod Al-An‘ām • Talata 90