Landscape MP4 Vertical MP4

Surah Al-An‘ām — Talata 90 (Tagalog) — Bidyo

Al-An‘ām • Talata 90 sa 165 • Tagalog


أُولَٰئِكَ الَّذِينَ هَدَى اللَّهُ ۖ فَبِهُدَاهُمُ اقْتَدِهْ ۗ قُلْ لَا أَسْأَلُكُمْ عَلَيْهِ أَجْرًا ۖ إِنْ هُوَ إِلَّا ذِكْرَىٰ لِلْعَالَمِينَ 90
Pagsasalin:
Ang mga iyon ay ang mga pinatnubayan ni Allāh [sa Islām], kaya sa patnubay nila ay tumulad ka. Sabihin mo: “Hindi ako nanghihingi sa inyo dahil dito ng isang pabuya; walang iba ito kundi isang pagpapaalaala para sa mga nilalang.” Al-An‘ām 6:90
Tafsīr:
Ang mga propetang iyon at ang sinumang nabanggit kasama sa kanila kabilang sa mga ama nila, mga anak nila, at mga kapatid nila ay ang mga alagad ng kapatnubayan sa totohanan, kaya sumunod ka sa kanila at gumaya ka sa kanila. Sabihin mo, O Sugo, sa mga kalipi mo: "Hindi ako humihiling sa inyo dahil sa pagpapaabot ng Qur'ān ng isang ganti sapagkat ang Qur'ān ay walang iba kundi isang pangaral para sa mga nilalang na tao at jinn upang ipanggabay nila tungo sa landasing tuwid at daang tumpak.
X Facebook Minutemailer Stellar WhatsApp Reddit
Pumunta sa buong Surah na bidyo
Nauna Al-An‘ām • Talata 89 Susunod Al-An‘ām • Talata 91